Wednesday , June 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie tiwalang ‘di lolokohin ni Jak — Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to!
Barbie tiwalang ‘di lolokohin ni Jak  — Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to!

Barbie tiwalang ‘di lolokohin ni Jak — Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to!


Rated R
ni Rommel Gonzales

SANAY na ba si Barbie Forteza kapag hanggang ngayon ay maraming nagpapantasya kay Jak Roberto?

“Oo naman! Actually, compliment na ‘yun para sa akin, ‘di bale na lang kung papatulan niya, ‘di ba? Siyempre ibang usapan naman ‘yun.”

May nagbiro, ayaw ba ni Barbie na i-share ang boyfriend niyang si Jak?

“Bakit ise-share? Airdrop? Ha! Ha! ha! Bakit ise-share? Hindi naman airdrop si Jak!”

Si Jak ba ay marunong magselos?

“Hindi seryoso, very mga pabiro, ganyan, kunwari ‘pag may pina-follow ako, nila-like ako, ganyan.”

Tulad nino?

“Ay hindi, mabait ako, hindi ako nagpa-follow ‘pag alam kong magseselos siya, hindi ko pina-follow.”

Wala rin naming pinagselosan si Jak kay Barbie.

“Wala naman, alam mo so far wala, ha? Eto, it’s safe to say, wala pa akong pinagselosan kay Jak, kahit ‘yung kunwari ‘di ba mayroon siyang ‘Bubble Gang?’  Siyempre lahat ng mga babae riyan naka-nyeknyek shorts, naka-tank top lang, ganyan, in all fairness naman, wala.

“Kasi naniniwala… ang maganda kasi kay Jak, naniniwala siya sa karma. 

“So, iyon ‘yung talagang thinking niya, na lahat ng bagay very mindful siya in doing…’yung mga ganyang bagay. Baka kasi bumalik sa kanya.”

Naniniwala naman si Barbie na faithful si Jak sa kanya.

“Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to lolokohin mo? Tanga, ha? Ha! Ha! ha!”

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top