Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Sara galit kay duque sa palpak na Covid-19 pandemic response
Sara galit kay duque sa palpak na Covid-19 pandemic response

Sara galit kay duque sa palpak na Covid-19 pandemic response

IBINISTO ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na galit si Davao City Mayor Sara Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III dahil sa palpak na tugon sa CoVid-19 pandemic.
 
“She’s mad at Duque’ s performance, she wants to improve on it, there were lapses,” ani Andaya sa After the Fact sa ANC kagabi.
 
Ang paniniwala ni Sara sa performance ni Duque ay taliwas sa todo papuri ng kanyang amang si Pangulong Duterte sa health secretary na tinawag pa siyang ‘hero’ sa pandemic response.
 
Mahigit isang taon mula nang ideklara ang CoVid-19 pandemic, maraming politiko, organisasyon, at netizens ang nanawagan sa pagbibitiw ni Duque o pagsibak sa kanya pero nanindigan si Pangulong Duterte para sa kanyang health secretary. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top