Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ruru, Jane, Ria, at Sanya enjoy sa new Beautederm products
Ruru, Jane, Ria, at Sanya enjoy sa new Beautederm products

Ruru, Jane, Ria, at Sanya enjoy sa new Beautederm products

MATABIL
ni John Fontanilla

HAPPY ang apat na celebrity ambassadors ng Beautederm na sina Ruru MadridRia AtaydeJane Oineza, at ang star ng First Yaya na si Sanya Lopez sa paggamit ng two newest products nito sa pagtatapos ng ikalawang quarter ng taon, ang La Voilette  Anti-Pollution Hair Sanitizer at Acne Loin.

Katulad ng kasabihang necessity is the mother of all inventions. Kaya naman na-conceptualize at dinevelop ng Beautéderm ang La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at Acne Loin bilang daily essentials para sa karagdagang hygienic protection ngayong panahon ng pandemya.

Ang La Voilette ay isang all-natural product na mayroong germ-killing properties sapagkat kaya nitong patayin ang 99.9% ng mga bacteria at viruses, mayroon itong active SymUrban ingredient, na isang potent toxin neutralizer na napatunayang mas epektibo kompara sa alcohol at sunscreen.

Sa ilang sprays lamang, pinoprotektahan ng La Voilette Anti-Pollution Hair Sanitizer, na mayroong dalawang variants – ang Sunrise Mist at Twilight Fog – ang buhok laban sa environmental pollution, nagbibigay ito ng moisture sa hair strands, prevents breakage and hair fall, at pinoprotektahan din nito ang buhok sa harmful effects ng direct exposure sa araw. Perfect na partner ng La Voilette ang dalawa pang bagong Beautéderm products – ang Detangle Hair Brush at Beauté L’ Cheveux hair oil.

Habang ang Acne Loin naman ay kombinasyon ng antibacterial, soothing, at anti-irritant natural ingredients na napatunayang tumutulong sa pag-reduce ng acne sa baba at iba pang bahagi ng mukha na karaniwang natatakpan ng facemask.

Mayroong ding brightening and skin lightening extracts ang Acne Loin na tumutulong i-lighten ang mga ‘di kanais-nais na acne marks at spots. Maaari ring gamitin ang Acne Loin sa paglinis at pag-freshen up ng facemasks para sa ligtas at epektibong reuse.

“Lahat tayo ay kailangang maging extra careful lalo na ngayon na ang layunin nating lahat ay ma-flatten ang curve para sa kaligtasan nating lahat,” sabi ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan.

“With all that is happening now especially with the pandemic, sanitizing everything that we touch is a must – when we go out to run errands, we shower right away as we get home to wash away all the bacteria that stick to body. Kailangan nating i-sanitize ang ating mga kamay at pati na rin ang ating mga buhok at ang mga masks na sinusuot natin araw-araw.”

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa La Voilette Anti-pollution Hair Sanitizer at Acne Loin, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top