Saturday , June 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Patrick naka-lalaki na
Patrick naka-lalaki na

Patrick naka-lalaki na

(ni ROMMEL PLACENTE)

ISA pang nag-guest sa aming birthday show ay ang kaibigan naming si Patrick Garcia.

In fairness, bakas pa rin ang kaguwapuhan ni Patrick kahit isa na itong ama at may tatlong anak na babae. Hindi tumatanda ang hitsura ng mahusay na aktor, sa totoo lang.

Kinamusta namin ang buhay nila ng pamilya niya ngayong pandemya. Okay naman kahit mahirap dahil nasa bahay lang sila.

Walang seryeng ginagawa ngayon si Patrick although may offer naman  sa kanya. Choice niya ang hindi muna tumanggap ng serye.

Katwiran niya, ”Huwag na muna. Mahirap ang mga taping ngayon kasi lock-in. Hard on my part kasi pregnant ang wife ko. Not also safe for my other children.”

Lalaki ang ipinagbubuntis ng wife ni Patrick na si Nikka.

Finally, after three girls ay magkakaroon na rin sila ng anak na lalaki.

Congrats Pat and Nikka.

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top