Saturday , June 19 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Kagat ng tuta inilihim, totoy patay sa rabies
Kagat ng tuta inilihim, totoy patay sa rabies

Kagat ng tuta inilihim, totoy patay sa rabies

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos batang lalaki nitong Linggo, 6 Hunyo, matapos makagat ng isang tuta sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan.
 
Ayon sa ama ng biktimang hindi na pinangalanan, bago namatay ay ilang araw na nagsuka ang kanyang anak, hindi makakain at hindi makainom ng tubig.
 
Bukod umano dito, naglalaway o dumudura ang kanyang anak at nakikita niyang naglo-lock ang panga at palaging balisa.
 
Agad niyang dinala sa pagamutan ang anak hanggang sinabi ng manggagamot na nakagat ang bata ng tuta na una nitong itinanggi.
 
Hanggang nalaman mula sa kalaro na nakagat ang kanilang anak ng tuta isang linggo na ang nakararaan ngunit hindi nagsabi sa mga magulang.
 
Nabatid, matapos mamatay ang bata ay namatay rin ang tuta na kasalukuyang inaalam kung sino ang nagmamay-ari. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top