Saturday , June 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor buking ang pagka-beki, G na G sa paghuhubad
Aktor buking ang pagka-beki, G na G sa paghuhubad

Aktor buking ang pagka-beki, G na G sa paghuhubad

SI Sexy Male Star pala ay buking na buking na isa ngang gay sa kanilang circle. Sinasabing nag-a-attend daw siya sa mga ”private gay parties” hind bilang isang guest kundi isang participant talaga. Ikinatutuwa naman daw iyon ng mga gay na may ilusyon pa rin sa male star dahil sexy naman siya talaga kahit na nga siya ay bakla ring katulad nila.

“Uso naman iyon ngayon, iyong M to M. Hindi na uso sa mga bading iyong ang ilusyon ng mga tunay na lalaki na kailangan nilang bayaran. Ang gusto nila ay kagaya rin nila dahil tiyak na mas enjoy sila sa relasyon. Ang mahilig na lang ngayon sa mga totoong lalaki, iyong mga bading na may edad na,” sabi ng aming source.

Wala raw pakialam sa paghuhubad ang sexy male star ‘pag kasama niya ang mga kaibigan niyang bading pero ang kundisyon lang niya ay walang kukuha ng pictures.

Talaga naman daw na bahagi iyon ng rules, na walang camera at kahit na ang mga cellphones ay bawal. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top