Wednesday , June 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo pinababayaan ang sarili (Sa kawalan ng exposure)
Piolo pinababayaan ang sarili (Sa kawalan ng exposure)

Piolo pinababayaan ang sarili (Sa kawalan ng exposure)

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO na nga ba ang gagawin ngayon ni Piolo Pascual? Kumita siya ng malaki nang mabilis siyang tumalon sa isang bagong show, hindi naman nila inaasahang matapos lamang ang tatlong buwan ay matitigok agad iyon. Hindi rin nila inasahan na kung matigok man iyon ay walang sasalo sa kanila. Ang masakit, ang ipinalit sa kanila ay iyong dati nilang show na kumuha sa kanilang time slot sa pamamagitan ng blocktime arrangement.

Ang masakit para sa isang sikat na actor na kagaya ni Piolo, simula noon ay nawalan na siyang exposure.

Sinasabi niya, gusto niyang gumawa ng isang serye kung makakatambal nga niya si Judy Ann Santos, na mukhang hindi naman interesado sa serye ngayon dahil nangangahulugan iyon ng mahabang lock-in tapings, at mawawalan siya ng panahon para sa kanyang pamilya at mga inaasikasong negosyo. Hindi mapapabayaan ni Juday ang kanilang negosyo dahil mangangahulugan iyon na may mga tauhan silang mawawalan ng trabaho na ayaw naman niyang mangyari.

Wala rin namang film offers ngayon si Piolo. Sino nga ba ang gagawa ng pelikulang si Piolo ang bida eh wala ka namang lalabasang sinehan. Parang sinayang mo lang ang pagiging artista mo kung ilalabas mo lang sa internet.

Pero may narinig kaming magandang idea para kay Piolo. Pagkatapos  siguro ng pandemyang ito, maaaring si Piolo na ang gumawa ng mga roles na dating ginagawa ni Derek Ramsay, iyong leading man sa pelikla na medyo sexy ang dating. Nasa porma naman talaga ang katawan ni Piolo, at saka sa pagdating ng panahong iyon tamang-tama na ang kanyang maturity. By that time, may edad na si Derek at hindi na bagay sa kanya ang mga ganoong roles. Kung natatandaan ninyo, gumawa rin naman ng ganoong pelikula na medyo sexy ang tema maging si Christopher de Leon. Bakit nga ba hindi magagawa iyon ni Piolo?

Pero dapat pangalagaan ni Piolo ang sarili niya. Huwag na niyang uulitin iyong masyado siyang relaxed na inilabas pa sa social media ang picture niyang marami na siyang puting buhok. Mayroon talagang hindi pa naman matanda ay putiin na talaga ang buhok.

Kailangan may edad man siya, panatilihin niya ang isang dashing personality na kalolokohan pa rin ng fans. At least may inaasahan pa siya pagkatapos ng pademya. Matuto lang sana sila sa tamang handling sa kanya.

 

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top