Saturday , April 20 2024
drugs pot session arrest

HVT, 3 kasamang adik dinakma sa shabu session

NASAKOTE ng mga awtoridad ang  itinutu­ring na high-value target (HVT) at tatlong kasa­ma­han na naaktohang may shabu session sa kanilang tahanan sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Antoinio Yarra ni P/Lt. Col. Cristine Tabdi, station commander ng Quezon City Police District (QCPD) – Talipapa Police Station 3 (PS 3), ang mga suspek ay kinilalang sina Regan Alabastro, 36,  Station Level drug watchlist; Jeanalyn Bartolay, 46, kapwa residente sa Taurus St., Brgy. Tandang Sora; Sherla Baylon, 34; at Kurt Pabalate, 33, residente sa Denmark St., Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora.

Batay sa ulat, dakong 7:50 pm, 5 Hunyo, nang maaresto ng mga tauhan ng PS3 ang mga suspek sa tahanan nina Alabastro at Bartolay.

Nagsasagawa ng anti-criminality operations ang mga awtoridad nang maaktohan ang mga suspek sa kanilang shabu session kaya’t agad inaresto ang mga suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng P68,000, isang bukas na pakete na may bakas ng shabu, isang improvised glass tooter, dalawang aluminum foil strips, at dalawang disposable lighters.

Ang mga suspek ay nakapiit at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *