Sunday , June 20 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Fans ni Kathryn sa Indonesia nagtanim ng 253 puno
Fans ni Kathryn sa Indonesia nagtanim ng 253 puno

Fans ni Kathryn sa Indonesia nagtanim ng 253 puno

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY fans club din pala sa Indonesia si Kathryn Bernardo. At nakatutuwa sila. Sa halip na magdaos ng kung ano-anong proyekto para ipagbunyi ang idolo nila, ang ginawa nila ay isang napakamakabuluhang proyekto para sa mundo. Nag-tree-planting sila sa Indonesia at inialay nila ang mahigit sa 250 puno na ipinunla nila.

At kahit sa Indonesia nila itinanim ‘yon, makatutulong ‘yon sa pagpapabagal ng global warming hanggang sa ibang bansa.

KaDreamers Indonesia pala ang ibinansag ng mga fan na iyon sa kanilang sarili.

The group announced the project on Twitter and Instagram with several photos, including a tarpaulin bearing Bernardo and boyfriend Daniel Padilla’s faces.

Appreciated naman ni Kathryn ang efforts ng Indonesian fans n’ya kaya’t ini-retweet n’ya ‘yon.

“YOU’RE THE BEST GUYS!!” Kathryn tweeted.

Si Daniel man ay nag-post din sa social media ng pasasalamat n’ya sa grupo for their tree-planting activity on behalf of Bernardo.

The Indonesian fan group planted rhizophora or true mangroves, in Kampung Laut, Cilacap.

Sana gayahin ng fans ni Kathryn sa Pilipinas at sa iba pang fans communities sa ibang bansa ang ginawa ng Indonesia fan community. Habang buhay ang mga puno, buhay din sa kamalayan ng madla ang pangalan ni Kathryn.

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top