Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Christine Bermas, super-thankful sa pagpirma ng kontrata sa Viva
Christine Bermas, super-thankful sa pagpirma ng kontrata sa Viva

Christine Bermas, super-thankful sa pagpirma ng kontrata sa Viva

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SOBRA ang kasiyahang naramdaman ng Belladonnas member na si Christine Bermas nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Masayang saad ng magandang aktres, “Sobrang bless po tito and super thankful ako kay Papa God na naging Viva artist na po ako. Super thankful po ako sa manager ko, sa family ko and sa mga sumusuporta po sa akin… halo-halo po ang nararamdaman ko, sobrang saya na nakaka-iyak na na-e-excite ako para po sa mga mangyayari.”

Ano ang kontrata niya at may forthcoming project na ba siya?

Tugon ni Christine, “Guaranteed contract po ako sa kanila tito and may mga projects na pong naka-line up, so, waiting na lang din po.”

Nagpahatid din siya nang labis na pasasalamat sa manager niyang si Ms. Len Carrillo.

Wika ni Christine, “Sobrang thankful po ako kay Nanay Len, as in sobra po… simula noong araw na na-discover niya po ako and tinulungan po ako para maabot ko mga pangarap ko sa buhay. Hindi lang po siya manager for me eh, tumayo na rin po siya as my second mom, kaya sobrang pasalamat at saya ko po na nagkatagpo po kami ni Nanay Len.

“Isa po siya sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, sobrang bait na nanay at mamahalin ka talaga niya nang totoo kahit ‘di ka niya anak.

‘Thank you sa lahat lahat nanay Len, walang sawang pasasalamat po sa lahat lahat nanay, love na loooove po kita! Sobra nay Len, kung hindi po dahil sa iyo wala rin po ako sa kung ano pong mayroon ako ngayon. Kaya sobrang pasasalamat sa ‘yo nanay! Mahal na mahal na mahaaaal po kita Nanay Len,” mahabang mensahe pa ni Christine sa mabait na talent manager.

Incidentally, si Christine ay mapapanood sa pelikulang Silab ng 3:16 Media Network na tinatampukan ng mga kapatid niya sa 3:16 Events & Talent Management na sina Cloe Barreto at Marco Gomez.

Mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan, tampok din sa Silab sina Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top