Sunday , June 20 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Fans napapatalon sa kilig sa RitKen
Fans napapatalon sa kilig sa RitKen

Fans napapatalon sa kilig sa RitKen

HINDI na makapaghintay ang fans nina Ken Chan at Rita Daniela na mapanood ang GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Nitong May 24 ay nagsimula na ang huling cycle ng lock-in taping ng  GMA series sa Bataan. Umapaw naman ang kilig ng kanilang fans sa inilabas na behind-the-scene photos ng RitKen mula sa taping na magkayakap.

Biro ng isang netizen, ”Pwede tumalon sa kilig? Grabe na kayo RitKen ha.”

“So excited na sa Ang Dalawang Ikaw. Guys pahinging oxygen oh,” dagdag pa ng isang fan.

Samantala, itinuturing ni Ken na challenging ang kanyang karakter sa serye dahil gagampanan niya ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID) – isang mental illness na nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan—sina Nelson at Tyler. Si Rita naman ay gaganap bilang si Mia, ang asawa ni Nelson.

(JOE BARRAMEDA)

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top