Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Snooky wagi ng 2 awards sa Manhattan
Snooky wagi ng 2 awards sa Manhattan

Snooky wagi ng 2 awards sa Manhattan


MATABIL
ni John Fontanilla

WAGI sa katatapos na International Film Festival Manhattan NYC 2021 si Snooky Serna, ito ay ang Filmfest Best Actress Award at Jury Prize na Best Performance Grand Festival  Prize.

Ito ang 11 taong pagbibigay parangal ng Manhattan at kauna-unahan ding pagbibigay ng major award sa iisang tao.

Ang award ay mula sa performance ni Snooky sa pelikulang In The Name of the Mother na idinirehe ni Joel Lamangan under Harlene Bautista’s Heaven’s Best Entertainment.

Maituturing na history ang pagwawaging ito ni Snooky dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang artistang nanalo sa nasabing international filmfest ng dalawang major acting awards.

Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Snooky sa bumubuo ng Manhattan filmfest.

 

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top