Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nakaiiyak at nakakikilig na istorya tampok sa MPK
Nakaiiyak at nakakikilig na istorya tampok sa MPK

Nakaiiyak at nakakikilig na istorya tampok sa MPK

Rated R
ni Rommel Gonzales

KAPWA mga bilanggo sina Michael at Evelyn sa kani-kanilang buhay. Dating macho dancer, holdaper, drug pusher, at isang jail inmate si Michael nang makilala niya si Evelyn na isang abused OFW Domestic Helper sa Hong Kong na parang isang preso na rin dahil sa mga responsibilidad sa kanyang malupit na amo at sa kanyang pamilya bilang isang breadwinner.

Hanggang sa naging magka-chat sila sa Facebook at nagkaroon ng relasyon pero inilihim ni Michael na nakapiit siya sa Bilibid sa takot na mahusgahan siya at layuan ni Evelyn na minamahal na niya at naging inspirasyon para sa kanyang pagbabagong-buhay.

Ngayong Sabado, June 5, 8:00 P.M., saksihan natin ang isang nakakikilig at nakaiiyak na special at fresh episode ng Magpakailanman na pinamagatang Prisoners of Love. Pinagbibidahan ito nina Kapuso star Kristoffer MartinElle VillanuevaVictor Anastacio ; at Don Umali.

Sa direksiyon ni Conrado Peru, panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Angel Lauño.

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top