Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robin pinulutan sa socmed
Robin pinulutan sa socmed

Robin pinulutan sa socmed

MA at PA
ni Rommel Placente

PINULUTAN sa social media si Robin Padilla matapos mag-post ng video na siya mismo ang nag-swab test sa sarili.

Makikita sa video na dahan-dahang ipinasok ni Robin ang swab stick sa kanyang ilong.

Ganoon din ang ginawa ng kanyang mga kasama na ang isa ay napapangiwi pa.

Kuwento ni Robin, 6:00 a.m. ay magsisimula na silang magtrabaho ngunit wala pa  ang Nurse.

Sambit pa nito, hindi dahilan sa mga mandaragat na walang Nurse. Ibinahagi pa niya ang proseso ng pag-swab at sinabing isaksak ang swab stick hanggang dulo at makiliti ang utak, kapag naluha ay at saka iikot ng lima hanggang walong segundo.

Hindi naman nakaligtas sa mga batikos ang aktor.

Ayon sa isang netizen, hindi na siya nagulat sa ginawa ni Robin at kinuwestiyon na baka mas magaling ang actor sa mga frontliner.

Tiniyak naman ng isa na paglabag ito sa guidelines ng DOH.

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top