Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn bahay muna at travel bago pakasal kay Daniel
Kathryn bahay muna at travel bago pakasal kay Daniel

Kathryn bahay muna at travel bago pakasal kay Daniel

MA at PA
ni Rommel Placente

WALA pa sa isip ni Kathryn Bernardo na magka-anak sa kanyang nobyong si Daniel Padilla.

Sambit ni Kathryn, kung sakaling ikasal sila ni DJ, gusto muna niyang ma-enjoy ang isa’t isa.

Aniya, hindi sila nakapag-travel dahil sa pandemya kaya naman babawi sila kapag maayos na ang lahat.

Hindi rin nape-pressure ang aktres na mag-settle down at bumuo ng pamilya.

Ayon kay Kath, gusto niyang magkaroon sila ng sariling bahay kung sakaling ikakasal kay Daniel.

Hindi naman pinalampas ng mga netizen ang pahayag na ito ni Kathryn.

Sambit ng isa, agad na magparami ng anak ang dalawa dahil sayang ang lahi.

Para naman sa isang netizen, off umano ang pahayag ni Kathryn para sa mga handa nang magpakasal at magkaanak. Dagdag pa nito, hindi dapat ito inaayawan dahil blessing ito.

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top