Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JC Garcia, masaya sa overwhelming response ng Kumu viewers at pinanonood na rin ng celebrities
JC Garcia, masaya sa overwhelming response ng Kumu viewers at pinanonood na rin ng celebrities

JC Garcia, masaya sa overwhelming response ng Kumu viewers at pinanonood na rin ng celebrities

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
 
BAGO pa lang si JC Garcia sa kanyang live streaming singing show sa KUMU, pero grabe ang response sa kanya ng Kumu universe na overwhelming talaga for him.
 
“Wala akong invited na tao, Kuya Peter (tawag ni JC sa inyong columnist) at nag-turn on lang ako ng camera and I start singing ang dami agad nag-like.
 
“Yes on my first live streaming I got 5K likes in just
30 minutes. Wow, grabe I think mag-stay ako rito sa Kumu at ang bilis makakuha ng audience,” excited na kuwento ni JC.
Sabi namin kay JC, depende rin ‘yan sa show e, tulad niya mahusay na performer na kayang kumanta ng matataas na nota, maganda ang boses, at malakas ang karisma, kaya tiyak na magugustohan at tatangkilikin ng mga manonood ng KUMU.
 
Last Saturday ay muling napanood ang 4th live streaming ni JC sa KUMU.
 
“Wow! Wow! Wow! After my show last night at ATC Channel 31 Online TV! I went straight to my other Live Show which is the KUMU to do my 4th Live show with Kumu community. I met a lot of new friends, I saw our family friends and Special Shout out to Ms. VERONICA JONES – MOVIE ACTRESS thank you for supporting me on my Kumu Live Show together with your Gorgeous Singer and Recording Artist Ms. ABBY ASSISTIO her supporters the Sitio Assistio group to
support me on my show. I did a 3 in half hour show and I received 32.15K Diamonds and 13.69K LIKES! Not bad for 4th day.”
 
“Thank you Chris as well for all your support! I like Kumu now, tonight (Saturday show is my 4th day doing live with KUMU, thanks to our family friends, Ate Veronica Jones and Abby Assistio.”
 
Samantala last week, sobrang na-enjoy ni JC, ang travel sa iba’t ibang parte ng Amerika. Ilan sa mga states na binisita ng Fil-Am recording artist/dancer/online TV host ang Los Angeles, ang kanyang first stop, next is San Diego, then Phoenix Arizona, next is New Mexico, Houston Texas, then Dallas Texas, Albuquerque, Arkansas, Mississippi, Alabama, Georgia, North Carolina, Pennsylvania at ang last stop ay sa New York at kung puwede lang daw tumawid sa Europe, ay pupunta siya roon biro pa ni
JC na sakay ang kanyang luxury car sa kanyang mahabang trip.
 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top