Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Will balik-trabaho matapos mabakante ng ilang buwan
Will balik-trabaho matapos mabakante ng ilang buwan

Will balik-trabaho matapos mabakante ng ilang buwan

PAGKATAPOS ng ilang buwang bakante sa trabaho, balik taping na muli si Will Ashley na  kasama sa bagong serye ng GMA 7.

Ayon  kay Will nasa lock-in taping siya ngayon para sa nasabing show ng Kapuso Network na ayaw pang banggitin ang title.

Grabe nga ang excitement nito nang magbalik-taping dahil sa matagal-tagal siyang nabakante at ang kanyang online class at pag-o-online streaming ang pinagkaabalahan noong  wala pang trabaho.

“Sobrang happy po ako kasi matagal-tagal din akong nabakante at walang trabaho, kaya nga nagpapasalamat ako sa Diyos at sa GMA 7 sa pagbibigay sa akin ng bagong work.”

Wish nito na sana ay magtuloy-tuloy na ang projects na dumating sa kanya dahil gustong-gusto niyang laging may trabaho at ayaw nababakante.

Kasama rin sa prayers niya na matapos na ang pandemya para makausad na ang lahat at makabalik sa normal na buhay.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top