Saturday , June 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Popularidad ni Rabiya pinaiinit (kung ano-anong tsismis ikinakabit)
Popularidad ni Rabiya pinaiinit (kung ano-anong tsismis ikinakabit)

Popularidad ni Rabiya pinaiinit (kung ano-anong tsismis ikinakabit)

TALAGANG pinipilit nilang painitin ang interest ng mga tao sa natalong Miss Universe candidate na si Rabiya Mateo. Ngayon naman may nagkalat ng kanyang mga picture na kasama ang model na Kano na si Andrei Brouleitte, eh iyon pala nag-lunch lang sila, ayon sa post ng model. Magkakilala sila dahil sa Pilpinas, sila ay nasa ilalim ng isang agency.

Mabilis naman ang mga tsismis dahil sinasabi nilang inalis na ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion ang mga picture nilang dalawa, at naisip nila na maaaring nag-split na rin ang natalong Miss Universe candidate at ang kanyang boyfriend.

Pero mabilis iyong itinanggi ni Rabiya at sinabing ”I’m taken.”

Palagay namin, gusto man nilang painitin ang popularidad ni Rabiya, dapat hintayin nilang umuwi siya rito at subukang ilapit siya sa masa. Iyang mga ganyang gimmick kasi, masyado nang gasgas.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top