Wednesday , June 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alindog ni Sanya sinusundan hanggang Tiktok
Alindog ni Sanya sinusundan hanggang Tiktok

Alindog ni Sanya sinusundan hanggang Tiktok

NAKAKALOKA talaga ang alindog at karisma ni Sanya Lopez.

Aba, as of this week ay umabot na sa 10 milyon ang bilang ng followers ng aktres sa patok na social media platform na TikTok.

At record-breaker si Sanya dahil sa kasalukuyan, siya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok! Matindi siya, ‘di ba?

At talaga namang marami ang nag-aabang sa mga nakaaaliw na TikTok videos na ina-upload niya.

Hindi lamang sa social media account niya umaariba ang kasikatan ni Sanya, bukod sa kanyang mga TikTok video, patuloy na umaarangkada ang ratings ng pinagbibidahan niyang Kapuso primetime series, ang First Yaya.

Kaya sige lang tayo na tutukan si Sanya bilang Yaya Melody sa First Yaya, gabi-gabi sa GMA Telebabad at tuwing Sabado bilang Maya sa  Agimat ng Agila.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top