Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sheryl sa kanyang Youtube channel muna tututok
Sheryl sa kanyang Youtube channel muna tututok

Sheryl sa kanyang Youtube channel muna tututok

PINAGKAKAABALAHAN ngayon ni Sheryl Cruz ang kanyang Youtube channel, ang TST CH or That’sSHERYLtainment CH na napapanood tuwing Linggo habang naghihintay pa ito ng panibagong trabaho sa Kapuso Network.

Kuwento ni Sheryl, ”Katatapos lang ng special appearance ko sa ‘Agimat ng Agila.’ Patuloy n’yo akong mapapanood sa TST CH or That’sSHERYLtainment Ch ko sa Youtube every Sundays.

“And I’m about to sign a contract for Skin Buffet as their endorser before the end of the month with the assistance of AGP.

“I also have an upcoming guestings with GMA 7, but as of now in the works ang TV projects which are handled by Rams (David).”

Dagdag pa nito, “Maski ako gustong-gusto ko ng magtrabaho sa labas ng bahay ko gaya ng nakararami nating kababayan.

“Kaya lang may policy ang network regarding sa sunod-sunod na paglabas ng isang celebrity after nagkaroon tayo ng Covid-19, hopefully this changes sa kagustuhan ng manonood.

“’Yung ibang mga kasamahan ko ngang celebs sa industriya nasa probinsiya habang naghihintay ng proyekto.

“I still blessed because despite of our current struggles with the pandemic, I am in good health and still able to survived,” sambit pa ng aktres.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top