Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Self sex videos ni actor nakasira sa career
Self sex videos ni actor nakasira sa career

Self sex videos ni actor nakasira sa career

BALEWALA iyang mga gumagawa at nagbebenta ng mga self sex video ngayon. Hindi namin alam kung binayaran siya nang gawin niya iyon, o nabola lamang siya at nagawa iyon, pero dalawang self sex videos ang ginawa ng isang male star at kumalat nang husto iyon.

Pinagpistahan iyon sa isang gay sex video site, at kahit na noong una ay malabo ang lumabas na kopya, ang daming nakapag-dowload niyon kaya kumalat nang husto. Pinag-usapan iyon dahil pogi naman si male star at galing pa sa isang kilalang pamilya.

Nang malaunan, may luamabas nang malinaw na kopya ng video. May nagsasabing iyon daw kasi ay “na-ehanced” na kaya luminaw, at mas gumanda ang kulay, at iyon ay ibinebenta na ng mga video pirate at inilabas na nila sa DVD. Pinagkakitaan na si male star.

May nagsasabing nakasira iyon sa kanya, dahil kung wala raw siguro iyon, sa hitsura at koneksiyon niya tiyak na mas sisikat siya. Pero dahil sa video, pati ang dating pagmo-model niya sa gay bar, napag-usapan pa.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top