Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza pumalag ‘di totoong sasali sa beauty pageant
Liza pumalag ‘di totoong sasali sa beauty pageant

Liza pumalag ‘di totoong sasali sa beauty pageant

MARIING pinabulaanan ni Liza Soberano ang viral post sa Facebook tungkol sa balak niyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2021. 

Mababasa sa post: ”Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!”

Sa isa pang post, nangako si “Liza” na babawi siya sa susunod na edisyon ng Miss Universe.

Ayon pa sa post, ”Bawi tayo next year! Ako bahala.”

Pero pinalagan ito ni Liza. Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng Kapamilya actress ang screenshot ng nasabing post. Kalakip nito ang mensahe na hindi siya ang may-ari ng FB account na iyon.

Pahayag niya, ”Hello, everyone! Just dropping by to say that I do not have a Facebook account.

“This account has been posing as me and has been making very questionable and detrimental statements.

“Please help me spread the words and report this account.”

Sinabi rin ni Liza na wala siyang balak sumali sa mga beauty pageant. Natatakot kasi siyang humarap sa maraming tao sa isang malaking stage.

Saad ng 23-year-old Kapamilya actress, ”As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me.

“I’m an introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound).”

Biro pa niya, ”Ang kapal ng face ko. Please report!!!!”

Ipinagmalaki naman niya ang naging performance ni Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020.

Mensahe ni Liza para sa beauty queen: “Congratulations @rabiyamateo! Every inch a Queen in her own right. You did amazing and made any of us proud.” (Danny Vibas)

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top