Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Bakit Mexico’ trending: Miss Bulgaria naglabas ng hinaing
‘Bakit Mexico’ trending: Miss Bulgaria naglabas ng hinaing

‘Bakit Mexico’ trending: Miss Bulgaria naglabas ng hinaing

HINDI deserve ni Miss Mexico Andrea Meza ang Miss Universe 2020 crown.

‘Yan ang walang-takot na pahayag ng Miss Bulgaria Radinela Chushev sa isang live Instagram session niya noong May18.

Hindi naman nag-iisa si Miss Bulgaria dahil talaga namang nabalot ng kontrobersiya ang pageant dahil sa pagkuwestiyon sa pagkapanalo ni Miss Mexico.

Nag-trending pa nga sa Twitter ang ”Bakit Mexico,” na naglabas ng hinaing ang pageant fans sa resulta ng Miss Universe 2020.

Ayon kay Miss Bulgaria, ang kanyang favorites ay sina Philippines, Thailand, Malaysia, Colombia, at Costa Rica.

Pero ang pinakapaborito niyang manalo ay si Nova Stevens ng Canada.

“She’s the best! It’s my icon! [heart emoji],” ani Miss Bulgaria.

Paulit-ulit na ipinost ito ni Miss Bulgaria na kung sino para sa kanya ang deserving manalo at makapasok sa Top 10.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top