Friday , June 25 2021
Breaking News
You are here: Home / News / PRO3 PNP dumalo sa Zoom Conference sa simultaneous launching ng “E-Sumbong”
PRO3 PNP dumalo sa Zoom Conference sa simultaneous launching ng “E-Sumbong”

PRO3 PNP dumalo sa Zoom Conference sa simultaneous launching ng “E-Sumbong”

PINANGUNAHAN ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon kasama ang key officials ng rehiyon ang pagdalo sa Zoom Conference para sa simultaneuos launching ng “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksiyon Ko,” sa pamumuno ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar na ginanap sa Camp Crame, lungsod ng Quezon, kaalinsabay ng traditional flag raising, nitong Lunes, 17 Mayo, sa Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.
 
Hinikayat ni P/Gen. Eleazar ang bawat mamamayan na maaring tumawag sa mga numerong 0919-160-1752 at 0917-847-5757 ng “E-Sumbong” upang iparating sa kanya kung mayroon mang ginawang pang-aabuso ang pulisya upang agad masolusyonan.
 
Layunin ng hepe ng pambansang pulisya na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga pulis na minsan nang sinira ng ilang tiwaling pulis, sa loob ng kanyang panunungkulan. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top