Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / RitKen enjoy sa buhay-mag-asawa
RitKen enjoy sa buhay-mag-asawa

RitKen enjoy sa buhay-mag-asawa

MAS mature at pinatinding roles ang haharapin nina Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Gaganap sila bilang mag-asawa sa serye. Kuwento ni Ken sa interview ng 24 Oras”Mayroong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, ‘O, ganito ‘yung gagawin, iaakyat mo ‘yung legs mo rito.’ Tapos sasabihin ni Rita, ‘ilalagay ko ‘yung kamay ko sa batok mo.’ Bubuhatin ko siya, ihahagis ko siya.’

“Sobrang nakatutuwa lang. Very mature ang role namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin ‘yung buhay mag-asawa.”

Bukod sa mga problema na haharapin ng kanilang relasyon sa kuwento, matatalakay din sa serye ang ilang mental health issues na tiyak na pupukaw sa interes ng Kapuso viewers.

Tutukan ang pagbabalik ng RitKen sa TV sa Ang Dalawang Ikaw na malapit nang mapanood sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top