Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jerald at Kim career muna bago kasal
Jerald at Kim career muna bago kasal

Jerald at Kim career muna bago kasal

LATE bloomer sa career ang ibinigay na dahilan nina Jerald Napoles at Kim Molina kaya gusto muna nilang tutukang mabuti ang kani-kanilang karera sa showbiz.

Ito ang idinahilan ni Jerald nang matanong kung plano na ba nilang magpakasal dahil pitong taon na pala ang kanilang relasyon.

“Late bloomer kasi kami sa career so maximize sana kung ano ‘yung kayang i-offer para mas solido ‘yung pundasyon kung saan man kami papunta in the near future. Pero hindi naman namin inaalis sa isip namin ‘yung mga ganoong bagay.

“Para sa akin, at naniniwala naman din si Kim dito, at nasabi ko na rin sa kanya especially during this pandemic, it’s a day to day basis approach regarding what you wanna plan ahead of time,” paliwanag ni Je.

Sinabi pa nito na, ”So, we need to survive now or this year first and then let’s plan it together again after the year and let’s see what’s happens and maybe we can plans something else to the both of us as far as we have careers.

“Because a lot of people ay nare-retrench, maraming nawalan ng career so baka ngayon ito po muna ang focus natin at nag-agree rin naman si Kim.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top