Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Wanted na carnapper nasakote sa Maynila (10 taong nagtago)
Wanted na carnapper nasakote sa Maynila (10 taong nagtago)

Wanted na carnapper nasakote sa Maynila (10 taong nagtago)

ARESTADO ang isang lalaking wanted sa carnapping matapos ang halos 10 taong pagtatago sa batas sa lungsod ng Maynila.
 
Taong 2011 pa lumabas ang warrant of arrest laban kay Christopher Pacamara, 47 anyos.
 
Ayon kay P/Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police, kilala ang lalaki sa pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod.
 
Palipat-lipat din umano ang suspek para hindi mahuli hanggang makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na umuwi ang suspek sa Sampaloc.
 
Inabutan siya malapit sa PNR station sa España Boulevard.
 
Hindi nagbigay ng pahayag ang inaresto at inaalam pa kung may sinasamahan siyang grupo sa pagnanakaw ng sasakyan.
Haharapin ng suspek ang kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top