Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Taguig nagbabala vs ‘pekeng’ online slot ng bakuna
Taguig nagbabala vs ‘pekeng’ online slot ng bakuna

Taguig nagbabala vs ‘pekeng’ online slot ng bakuna

BINALAAN ng Taguig City government ang mga residente na huwag maniwala sa mga nag-aalok sa online ng slot para sa CoVid-19 vaccine sa lungsod kung hindi naman sila kabilang sa ‘confirmed slots’ mula sa Taguig TRACE system.
 
Hindi gumagamit ng social media para sa appointment at confirm schedules ang vaccination program ng lungsod.
 
Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan na ang matuturukan on-site ng Taguig City Health Office ay ang kabilang sa confirmed schedules.
 
Inilinaw ng Taguig City Health Office na mahigpit nilang sinusunod ang vaccine priority list na itinakda ng Department of Health (DOH).
 
Binalaan din ang mga nasa likod ng nasabing aktibidad na maaari silang maharap sa kasong kriminal dahil libre o walang bayad ang registration at ginagawa lamang sa pamamagitan ng Taguig TRACE system. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top