Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Siklista patay sa ‘epileptic’ na AUV driver (Nahati ang katawan)
Siklista patay sa ‘epileptic’ na AUV driver (Nahati ang katawan)

Siklista patay sa ‘epileptic’ na AUV driver (Nahati ang katawan)

KAHILA-HILAKBOT ang naging kamatayan ng isang siklista nang mahati ang katawan matapos masagasaan ng isang AUV sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1o Mayo.
 
Nabatid sa ulat ng pulisya, sakay ng kanyang bisikleta ang biktimang kinilalang si Tani Cruz nang sagasaan ng isang AUV, may plakang ZKX 667.
 
Sa tindi ng pagkasagasa sa biktima, nagkalasog-lasog ang kanyang bisikleta samantala ang unahang bahagi ng AUV na bumangga sa pader ay nagkayupi-yupi.
 
Bukod kay Cruz, nasugatan din ang apat na rider sa insidente, pero mapalad na agad nadala sa ospital.
 
Sa kasalukuyan, hawak ng mga tauhan ng Meycauayan City Police Station ang driver ng AUV na kinilalang si Ildefonso Magcasi, Jr., napag-alamang isang dating barangay chairman.
 
Ayon kay Magcasi, umatake ang kanyang epilepsy habang nagmamaneho kaya hindi niya nakontrol ang manibela na naging sanhi ng insidente.
 
Sinabi rin niyang handa siyang makipag-usap nang maayos sa pamilya ni Cruz at magbayad ng danyos gayondin sa iba pang mga biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top