Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Heart pagselosan kaya ng asawa ni Richard Yap?
Heart pagselosan kaya ng asawa ni Richard Yap?

Heart pagselosan kaya ng asawa ni Richard Yap?

MAITUTURING na isa sa mga crush ng bayan, dahil marami talaga ang nagkakagusto sa kaguwapuhan at karisma, si Richard Yap.

Kaya natanong namin siya recently kung hindi ba nagseselos o naiimbiyerna ang misis niyang si Melody na may mga nagkakagusto sa kanyang mga babae at bading?

“Wala naman kasi we don’t treat it seriously kasi usually sinasabi lang naman nila, like they tweet or they comment na, ‘Ang guwapo mo! Ang pogi mo!’

“Sabi ko, eh dati naman, noong hindi pa ako nag-aartista wala namang nagsasabi sa akin niyon so baka effect lang ng TV ‘yun,” reaksiyon ni Richard.

Malapit nang mapanood si Richard sa I Left My Heart In Sorsogon kapareha si Heart Evangelista sa GMA. 

And for sure, hindi rin pagseselosan ni Melody si Heart dahil tulad ni Richard, maganda at going strong ang relasyon ng mag-asawang Heart at Sorsogon Governor Chiz Escudero. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top