Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Transformation ni Jessica ikinagulat
Transformation ni Jessica ikinagulat

Transformation ni Jessica ikinagulat

MAY maagang regalong natanggap ang The Clash Season 3 champion na si Jessica Villarubin para sa paparating niyang ika-25 kaarawan. Simula kasi noong Sabado, May 8 ay maaari nang ipre-order ang kanyang upcoming single under GMA Music, ang Beautiful sa iTunes.

Nakatakda itong i-release sa mismong birthday niya sa May 14 at swak na swak ang mensahe ng awitin para sa mga kababaihan.  Kamakailan ay nagkaroon ng transformation si Jessica at gusto niyang paalalahanan ang mga katulad niya na rati ay mahiyain at minsan nang na-bully, ito ay para pahalagahan at unahin ang mga sarili.

Sa isang Insta­gram  post, ibinahagi ng Kapuso performer ang excitement para mapakinggan ng fans ang kanyang bagong single. ”Are you ready, Beautiful? þ You’re in for a birthday treat this May 14, 2021!”  Abangan ang musical treat na ito ngayong Biyernes sa YouTube channel ng GMA Music at sa iba pang digital streaming platforms worldwide!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top