Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Madir ni Bea naloka, may inaming nakalambutchingang actor sa kotse
Madir ni Bea naloka, may inaming nakalambutchingang actor sa kotse

Madir ni Bea naloka, may inaming nakalambutchingang actor sa kotse

ANG tanong ng marami, sino kayang aktor ang kalambuchingan ni Bea Alonzo sa Never Have I Ever episode na inamin niya na ikinagulat ng nanay niyang si Ginang Mary Anne Ranollo na in-upload sa YouTube channel ng aktres nitong Mother’s Day.

Puring-puri nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ang mag-inang Bea at Mary Anne na laging nagba-bonding sa channel ng aktres.

Tulad nitong Mother’s day, maraming nabuking tungkol sa mag-ina sa episode nilang Never Have I Ever na nag-viral dahil inamin ng aktres na nasubukan niyang makipaglambutsingan sa kotse na ikinagulat ng ina.

Sabi ni mama Loi, ”naloka ‘yung nanay ni Bea Alonzo kasi sa inamin nga ni Bea na ‘I have’ sa tanong nga na kung nakipaglambuchingan na sa kotse.”

“Eh, ano naman malay ba naman kung ang rason ni Bea eh, nag-social experiment lang ako,” pagtatanggol naman ni Ogie.

“Sino kaya?” tanong ni mama Loi kay Ogie kung alam nito kung sino ang aktor na kasama ni Bea sa kotse.

Deadma naman ang kilalang Talent Manager/vlogger at sabay sabing, ”ang alam ko noong araw buti na lang matalino si Bea kasi dati nabalitaan ko lang ewan ko kung sino ‘no?

“Noong nagka-boyfriend si Bea ay mayroonng ex niya, hindi ko alam kung sino na nagre-request ng nude picture ni Bea,”  pambubuking ni Ogie.

Nagulat si mama Loi, ”ha?  Oh my God! (sabay hawak sa magkabilang pisngi).”

Pagpapatuloy ni Ogie, ”na picturan (sarili) ganoon. Mabuti hindi bumigay si Bea. Yes pi-picturan. Ang rason daw niyong guy para kapag hindi sila magkita at may taping sila pareho, e, ‘yun na lang ang tinitingnan, ‘yung hubad na larawan ni Bea.”

Biglang hirit ni Mama Loi, ”Ay teka, may taping sila pareho, so artista ‘to?”!

“Ano ka ba! Hindi ba’t puro artista ang naging boyfriend ni Bea?” sagot naman ni Ogie.

Dagdag pa, ”hindi lang natin alam kung sino.”

Pambubuska ni mama Loi, ”hindi mo talaga alam? Mamatey?”

“Hindi! (sabay impit ni Ogie sa bibig niya),” say ulit ni Ogie at sabay sila nagtawanan ni mama Loi.

“Itsika mo na dali!” sabi ulit ni mama Loi.

“Nabalitaan ko lang, hindi ko naman alam kung confirmed ‘yun. Balita lang sa akin na mayroon ngang ganoon,” diin ni Ogie.

Tawa pa rin ng tawa si Mama Loi.

“Kasi Loi, usong-uso na ngayon ‘yung mga ganyan. Ang dami ko ring nababalitaang artista na ang dami pang compilation na mga guy na nagba-batibot na nagpapadala ng mga video call sa mga jowa nila kasi nga hindi sila nagkikita lalo na ngayong lock in taping,” kuwento ni Ogie.

Payo pa, ”Kaya dapat mag-iingat tayo kasi hindi natin alam kung ‘yun bang boyfriend o girlfriend natin ay pang habambuhay nating kasama. Pero mas maganda huwag na tayong magdalawang-isip, ‘wag na magpadala at all. Kasi hindi natin alam, may screen recorder na ang cellphone ngayon, gusto n’yo ba ‘yun?”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top