Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julie Anne ‘di feel ng fans para kay David
Julie Anne ‘di feel ng fans para kay David

Julie Anne ‘di feel ng fans para kay David

MAY nabasa kaming puna, ok daw sana iyong isang serye ng Channel 7, mukhang kutento naman ang mga fan sa pagpapa-sexy ni David Licauco, pero ewan kung bakit parang hindi click sa kanila si Julie Anne San Jose.

Maganda naman si Julie Ann, mahusay din naman siyang singer, pero mukhang kailangan nga siyang bantayang mabuti ng kanyang director. Medyo matabang nang kaunti ang acting niya sa serye.

Siguro naninibago siya sa acting, dahil singer naman siya talaga. Siguro naman pinag-workshop siya bago nagsimula ang seryeng iyan pero mukhang kailangan pa niyang mag-adjust talaga.

Sayang naman kung walang mangyayari sa build up nila sa kanya. Pero marami na silang binigyan ng todo build up na pumaltos eh.

Hindi ba iyong isang singer din noong araw na binigyan nila ng todo-todong build-up, iyong si Franceska Farr, nasaan na nga ba ngayon iyon?

Kailangan kasi iyan hindi basta maisaksak sa project. Dapat iyan pinag-aaralan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top