Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice Ganda walang idea sa digital concert (Kaya watch kina Regine, Daniel, at Sarah)
Vice Ganda walang idea sa digital concert (Kaya watch kina Regine, Daniel, at Sarah)

Vice Ganda walang idea sa digital concert (Kaya watch kina Regine, Daniel, at Sarah)

INAMIN ni Vice Ganda na sobra niyang na-miss ang mag-concert. Bale dalawang taon kasi niyang hindi nagawa ito dahil sa pandemic. Kaya naman sa pagbabalik-entablado niya para magpasaya, tiniyak niyang magiging masaya ang sinumang manonood sa kanila.

Aniya, sulit ang mga manonood ng concert niya dahil punompuno ito ng magagandang kanta at saya mula sa mga kakaibang pagpapatawa niya na isinulat ng mga kaibigan niyang writers.

“Ang bentahe nitong concert ko, musical siya, may mga kanta, may mga saya, pero ang 90 percent niya is comedy. Ang hindi kine-cater ng ibang concerts or performances or events ng karamihan,” aniya sa isinagawang virtual media conference.

“Kasi mostly, they are singers, they sing, they do beautiful production numbers, pero hindi sila nagpapatawa. Ang magpapatawa, kung mayroon silang komedyante na guests, very minimal ‘yung comic relief.

“Ito talaga, not so much of the songs and the dances, kasi ibinibigay na ng iba ‘yon.

“Ako, ibibigay ko ang strength ko, super patawa, at ‘yun ang gusto ko i-make sure talaga.”

Si John Prats ang magdidirehe ng Gandemic: Vice Ganda, The VG-Tal Community Party Concert at ang mga guest niya ay sina Moira Dela Torre, Ice Seguerra, Jake Zyrus, at Anne Curtis.

Sa kabilang banda, inamin din ni Vice na  bago sa kanya ang digital concert kaya naman pinanood niya  ang mga concert nina Regine Velasquez, Daniel Padilla, at si Sarah Geronimo.

“Talagang pinanood ko ‘yung mga recent concert nina Daniel, Regine, Sarah kasi wala akong idea how these digital concert happens. Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert.

“May conscious effort ako na manood at bantayan ‘yung ganap para may idea ako. ‘Yung show ko naman is different, very different from the concerts of singers, kasi hindi naman talaga ‘yon ang strength ko. Hindi ako super sing, hindi naman ako super dance.”

Sa July 17 na ang Gandemic: Vice Ganda, The VG-Tal Community Party Concert  at mabibili ang tickets sa KTX.ph sa halagang P1,000 regular at P1,500 VIP.

Sinabi pa ni Vice Ganda na mahirap ang digital concert. ”Mahirap talaga siya, sobra siyang mahirap. Buti na nga lang, bago tayo magko-concert sa July, eh, nae-experience ko na siya sa ‘Showtime.’ So napa-practice ko na siya na nagpapatawa ka, na dumadakdak ka na wala kang audience.”

“Actually, nasasanay na nga rin ako, sanay na rin ako ng walang audience dahil nagba-vlog ako tapos may ‘Showtime.’ So, from my training sa comedy bar at sa live concert scene na may audience na marami biglang naging ganito na, so the only way is just adapt,” paliwanag pa niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top