Tuesday , June 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marion Aunor, maraming ginawang eksena with Sharon Cuneta sa Revirginized
Marion Aunor, maraming ginawang eksena with Sharon Cuneta sa Revirginized

Marion Aunor, maraming ginawang eksena with Sharon Cuneta sa Revirginized

Napanood namin ang latest upload video ni Sharon Cuneta sa kanyang official YouTube channel na part 2 ng behind the scenes (BTS) ng comeback movie niyang Revirginized sa Viva Films.

Napanood din namin ang ilang eksenang kasama ni Shawie ang singer-actress na si Marion Aunor sa part 1 ng BTS ng movie na kinunan sa isang sosyal na resort sa Subic.

Dito sa napanood naming part 2 ay wow halos lahat ng eksena ni Sharon ay kasama si Marion with other girls, kaya for sure kapag ipinalabas na ito sa Vivamax ay siguradong mapapansin ang magandang daughter ni Ma’am Maribel Aunor. Hindi lang pala mahusay na singer kundi magaling na artista rin.

Sa ginawang interview sa cast, para pa rin sa behind the scenes ng movie. Makikita kung paano sumagot si Marion na well-educated and very articulate.

Maganda rin ang PR ng VAA talent (Marion) kaya makikita ‘yung closeness niya with her co-stars. At lahat sila ay puring-puri ang kabaitan at pagiging humble ni Sharon na hindi makikitaan ng arte kahit isang megastar.

Anak raw ang turing sa kanila ni Shawie na very generous at supportive sa mga newcomer sa movie niya.

Dapat nga talagang ipagmalaki ni Marion ang pelikulang ito and this is big achievement for her acting career at sana masundan pa ito ng magagandang project lalo’t alagang-alaga naman siya ng Viva Artists Agency.

Mapapanood rin pala si Marion sa pelikulang Kaka, ang launching movie ni Sunshine Guimary. Kahit guest role lang siya rito na gumaganap na singer, kasama siya sa full trailer ng movie.

Sa May 28 na ang showing ng Kaka sa Vivamax.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top