Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 2 kompanya pinayagang mag-operate ng PAGCOR para sa online sabong (Sa P75-M performance bond)
2 kompanya pinayagang mag-operate ng PAGCOR para sa online sabong (Sa P75-M performance bond)

2 kompanya pinayagang mag-operate ng PAGCOR para sa online sabong (Sa P75-M performance bond)

INILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dalawang kompanya pa lang ang pinapayagan nilang magpalabas ng online sabong sa kabila ng naglipanang ilegal na e-sabong sa internet.

Sa isang radio interview, sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, tanging ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang, at Belvedere Corp., ni Bong Pineda ang may lisensiya para magpalabas ng online sabong.

Ayon kay Domingo, “limang kompanya ang nag-apply ng license pero ‘yung Lucky 8 at Belvedere pa lang ang nagbayad ng performance bond na P75 million each.”

Napag-alaman, ang mga kompanyang Encuentro, Magnus, at Oriental Capital Venture ay hindi pa nagbabayad ng mga kaululang fees at taxes kaya hindi pinapayagang magpalabas ng sabong sa kanilang website, ayon kay Domingo.

“Nakikipag-ugnayan na kami sa PNP na hulihin ang online sabong sites na wala pang mga lisensiya,” banta ni Domingo.

Ilan sa illegal online sabong websites umano ang kingsportslive.com at ang sabonginternational.com.

Ang dalawang websites ay pag-aari umano ng mga mambabatas sa mababang kapulungan.

“Ang e-sabong ang major source ng funds namin sa ngayon dahil nagsara ang mga casinos due to CoVid,” paliwanag ng PAGCOR chairman.

Napupunta sa social funds ng pangulo na ibinibigay naman umano ni Pangulong Duterte sa mga ospital at ayuda ngayong pandemya.

Samantala, binabawi ng Lucky 8 Starquest ng Pitmaster live ang authorization para sa kompanyang Diversified Financial Network Inc. (DFNN), na pag-aari ni Raymond Garcia, kumuha o tumanggap ng mga taya mula sa sabong online.

“Lucky 8 Starquest Inc., decided not to pursue the said venture anymore in order to honor its undertakings with the local government units,” ayon sa official statement ng nasabing kompanya.

“And in order to avoid possible conflict of interest, Lucky 8 Starquest Inc., shall continue to fully operate on its own e-sabong online platform pursuant to its license with PAGCOR,” pahabol na pahayag ng Lucky 8.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top