Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Miss Mexico lamang sa Miss Universe 2020
Miss Mexico lamang sa Miss Universe 2020

Miss Mexico lamang sa Miss Universe 2020

UMINGAY ang Internet world nang mag-post ng tila pasabog na photo ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.
Noong Lunes, ipinakita ni Miss Universe Philippines Rabiya ang kanyang fierce black one-piece swimsuit.
Sambit ni Rabiya sa caption, “Be the well-wisher and the go-getter at the same time.”
Ilang araw naman bago ang Miss U pageant sa Hollywood, Florida sa USA, kanya-kanyang pili ang mga expert kung sino ang kandidata na malaki ang tsansang maiuwi ang korona.
Sa huling round ng survey na inilabas ng Missosology organization, nanguna si Miss Mexico Andrea Meza sa listahan. Hindi nagpahuli si Rabiya na sinungkit ang ikaapat na puwesto sa survey na kasama rin sa Top 5 ang pambato ng Peru, Jamaica, at India.
Ang Miss Universe ay gaganapin sa May 17.
 
MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top