Wednesday , July 23 2025
arrest prison

Sa arrest order ni Duterte vs protocol violators, piitan magiging punuan

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, posibleng mapuno agad ang mga piitan sa paiigtinging pag-aresto sa mga lalabag sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.
 
Ito ay kaugnay sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles sa mga tauhan ng Phillipine National Police (PNP) na ikulong at imbestigahan ang mga taong hindi nagsusuot o hindi maayos ang pagkakasuot ng facemasks sa mga pampublikong lugar.
 
Ayon kay Malaya, sa kautusan ng Pangulo ay kakailanganin rin nilang iprepara ang mga piitan dahil posible aniyang mas maraming tao ang makulong ngayon kompara sa dati.
 
Aniya, sa tulong ng local government units (LGUs) at PNP, bubuo sila ng mga guidelines upang matiyak na magiging ligtas at episyente ang implementasyon ng direktiba ng Pangulo at hindi magagamit sa pang-aabuso.
 
Pagtutugmain umano ng DILG ang mga ordinansang ipinasa ng LGUs at sa direktiba ni Duterte ay aalamin nila sa PNP ang parameters at kung paano ito maitutugma sa mga ordinansang dati nang ipinaiiral ng mga LGUs.
 
Sinabi ni Malaya, sa ngayon ay iba-iba ang mga parusa na ipinaiiral ng bawat lokal na pamahalaan laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa hinggil sa hindi pagsusuot ng facemask sa public places.
 
Inaaresto aniya ang mga ordinance violators na kapag pumalag at sumuway sa mga pulis ay aarestohin.
 
Gayonman, dahil aniya sa kautusan ng Pangulo ay maaaring kailangan nilang magsagawa ng recalibration at mga kaukulang paghahanda. (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan

Hudyat ng panibagong simula para sa sangay ng lehislatura
IKA-12 SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, PORMAL NA NAGSAGAWA NG PASINAYANG PAGPUPULONG

ISANG bagong kabanata ang pormal na nagsimula para sa sangay ng lehislatura ng Pamahalaang Panlalawigan …

Arrest Shabu

P3.2-M shabu nasabat sa Bulacan, high value target arestado

ARESTADO ang isang indibidwal na nakatala bilang high value target habang nasamsam ang halos kalahating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Sta Maria Bridge Cabagan Isabela

Sa bumagsak na Sta. Maria Bridge:
NETIZENS, NANAWAGAN RESULTA NG IMBESTIGASYON ILANTAD SA PUBLIKO

MAHIGIT apat na buwan matapos ang insidente ng pagbagsak ng Sta. Maria Bridge sa Cabagan, …

Boris Cafe

Sip, Swing, and Savor: Boris Café Brings Coffee and Mini Golf Together in Pampanga

In a world of cookie-cutter cafés, Boris Café in Barangay Baliti, City of San Fernando, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *