Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagkakasara sa ABS-CBN, isang taon na
Pagkakasara sa ABS-CBN, isang taon na

Pagkakasara sa ABS-CBN, isang taon na

NADAMA namin ang lungkot doon sa ginawa nilang pag-alala na isang taon nang nakasara ang ABS-CBN, ang dating pinakamalaking network sa Pilipinas. Hindi lang iyong maraming nawalan ng trabaho, kundi dahil marami ang walang maasahang malalapitan sa panahon ng kagipitan. Nawala rin ang isa sa mga pangunahing libangan ng mga tao, at kahit na nga ang lahat halos ng kanilang mga show ay palabas din sa Zoe TV, hindi ganoon kalakas ang power ng estasyon. Ngayon may mga show sila na ipinalalabas din ng TV5, na hindi rin kagaya ng kanila mismong estasyon ang lakas ng power.

Marami ang umaasa na siguro naman mga dalawang taon pa, makababalik din ang ABS-CBN. Sana nga huwag na silang mapag initan sa susunod na panahon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top