Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai kinompronta ang girl na nakikipag-chat kay Gerald
Ai Ai kinompronta ang girl na nakikipag-chat kay Gerald

Ai Ai kinompronta ang girl na nakikipag-chat kay Gerald

SA isa sa mga naging
panayam namin kay Ai Ai
delas Alas
, tinanong namin ang komedyana kung ano ang pinakagusto niyang ugali ng mister niyang si Gerald Sibayan.

“Hindi mapagpatol! 

“’Yung hindi ka niya papatulan. Kunwari inaaway mo siya, hindi ka niya papatulan.”

May mga ganoon pala siyang drama kay Gerald?

“Oo, siyempre! Topakin ako, no! At saka artist ako eh, ‘di ba? ‘Yung pagka-artist ko minsan lumalabas eh hindi ko rin naman naiintindihan kung bakit ganoon.”

Pero hindi naman siya pinapatulan ni Gerald.

“Wa patol! Wa. Okay fine!

“Alam mo ba sa pagsasama namin, siguro nag-away kami two or three times pa lang.

“Hindi kami nag-aaway, eh! Wala namang pinag-aawayan.

“At hindi kami natutulog na magkaaway. Mga thirty minutes lang okay na ulit kami.”

Selosan?

“Oo, ako selosa ako, eh.”

Kadalasan, ang mga selosan moment nila ay noong hindi pa sila kasal.

Ano ang pinagseselosan niya noon kay Gerald?

“Kung ano-ano, sino-sino na walang kuwenta, na malalanding tao!”

May sinugod na ba siya?

“Hindi naman pero, ‘Ssshhh! Sinusutsutan ko, ‘Halika nga!’

Ano ang sinabi niya sa girl?

Wala, parang, ‘Bakit nakikipag-usap ka?’ ‘Ay wala po.’

Dati mayroon sa internet, boyfriend ko pa lang siya, parang sabi sa kanya sa Facebook, ‘Hi! Good evening! ‘Puwede bang mag-chat?’

“Parang ganoon. Sabi ko, ‘Bakit nakikipag-chat ka sa boyfriend ko ng 11 ng gabi? Gabing-gabi na nakikipag-chat ka pa?’

“Tapos sabi niya, ‘Ay! Hindi naman po ako interesado riyan sa boyfriend mo!’ ‘Hindi ka pala interesado eh bakit ka nakikipag-chat?!’

“Sabi kong ganoon. Tapos hindi na siya sumagot.”

Si Ai Ai naman ay hindi na nagkaka-crush sa ibang lalaki.

“Noong dumating si Gerald, wala na.”

Si Gerald naman ay mayroong crush.

“International! ‘Yung isa sa ‘Charlie’s Angels.’”

Si Cameron Diaz ang tinutukoy ni Ai Ai.

“Sabi ko, ‘Bakit crush mo si Cameron? Hindi na lang si ano ang crush mo, maganda pa si JLo [Jennifer Lopez] doon eh, eto na nga si JLo,” sabay-turo ni Ai Ai sa mukha niya, ‘magka-crush ka pa kay Cameron, bakla ka!’

“Ayaw ni Cameron,” sabay-tawa ni Ai Ai.

Samantala, huwag palampasin ang madramang pagganap nina Aiai at Snooky Serna sa Sabado sa isang kuwento na kukurot sa puso ng bawat ina, ang episode ng Magpakailanman sa GMA na may pamagat na Anak, Saan Kami Nagkamali?

Makakasama rin nila sa episode sina Jhoanna Marie Tan, Emilio Garcia, Allan Paule, Jak Roberto, Jim Pebanco, at Bryan Benedict.

Ang Anak, Saan Kami Nagkamali? ay idinirehe ni Joel C. Lamangan DGPI, mula sa panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan at pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top