Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wife ni Direk Reyno Oposa, vlogger na rin
Wife ni Direk Reyno Oposa, vlogger na rin

Wife ni Direk Reyno Oposa, vlogger na rin

Palaki nang palaki ang subscribers ni Direk Reyno Oposa sa kanyang YouTube channel na nasa Road
10K na.
 
At dahil sa patuloy na pagtaas ng views ng uploaded videos ni Direk Reyno puwede siyang umabot ng 50K subscribers. Bongga si Direk dahil pinanonood siya sa Filipinas at ng mga kababayan sa abroad lalo na tuwing may live streaming siya.
 
Marami kasing napupulot na aral sa vlog ni Direk Reyno na madalas magkuwento ng realidad ng buhay.
 
Samantala tulad ng director-film producer (Direk Reyno) ay nasa mundo na rin ng vlogging ang wife niyang si Ma’am Maria Cureg at monetized na rin ang YT channel nito na Maria Cureg Vlog.
About cooking, buhay sa Canada, at mga tanawin sa bansa kung saan matagal na silang based ni Direk Reyno, ang content ng Vlog ni Madam Maria na siya mismo ang videographer.
 
Isa sa maraming views sa kanyang vlog ay nang magluto siya ng adobong manok with grapes. Very supportive sa isa’t isa sina Direk Reyno at Ma’am Maria at pareho silang hardworking kaya hindi sila gaanong naapektohan ng pandemya.
 
This month pala ay malalaman na ang resulta kung nakapasok sa short film category ang Taras movie ni Direk Reyno sa Cinemalaya 2021.
 
So far, maganda umano ang feedback ng selection committee sa pelikulang Taras.
 
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top