Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sunshine mas pinili ang network na walang prangkisa
Sunshine mas pinili ang network na walang prangkisa

Sunshine mas pinili ang network na walang prangkisa

MAY mga
tagahangang
nagtataka kung bakit lumipat pa ng network si Sunshine Dizon gayung maganda ang sitwasyon niya sa Kapuso.

Ilang taon din siyang inaruga ng GMA kaya bakit biglang lipat-bahay ang actress?

May bali-balitang may big project at dagdag talent fee ang naghihintay kaya lumipat.

Maraming tanong ang naririnig sa mga follower ni Sunshine.

Matatag ang GMA pero bakit sa Kapamilya na nawala sa ere ang pinili niyang lipatan? Maganda man ang role na gagawin sa ABS-CBN kung wala namang makakapaanood sa acting niya, hindi ba mas bongga ‘yung habang umaarte marami ang nanonood?

Susunod din daw si Lovi Poe kay Sunshine sa ABS-CBN.

Naku, sayang naman gumaganda na ang career niya sa Kapuso. Bakit kaya nag-aalisan sila ng Kapuso Network gayung mukhang matatagalan pa bago mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network?

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top