Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Digital shows ng GMA palakas ng palakas
Digital shows ng GMA palakas ng palakas

Digital shows ng GMA palakas ng palakas

TALAGA namang palakas nang palakas ang online presence ng digital powerhouse na GMA Public Affairs.

Kamakailan, umabot na sa 15 million ang subscribers nito sa YouTube—isang taon lang mula nang tumanggap ito ng Diamond Play Button Award mula sa video sharing platform matapos magkaroon ng 10 million subscribers.

Mapapanood sa YouTube channel ang previously aired episodes ng favorite Kapuso public affairs shows. Nangunguna na rito ang patok sa on-air at online na Kapuso Mo, Jessica Soho. Kasama rin dito ang episodes ng mga award-winning documentary show na iWitness, Brigada, at Reporter’s Notebook.

Kasama rin ang mga well-loved public affairs show na Wish Ko Lang!, Tadhana, at Imbestigador; ang feel-good infotainment at lifestyle shows na Biyahe ni Drew, AHA!, at Pop Talk gayundin ang pioneering online newscast na Stand For Truth  at iba pa.

Kaya huwag pahuli, subscribe na sa www.youtube.com/gmapublicaffairs.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top