Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bong ‘naunahan’ si Gabby kay Sanya
Bong ‘naunahan’ si Gabby kay Sanya

Bong ‘naunahan’ si Gabby kay Sanya

IBANG klase talaga  si Sen Bong Revilla pagdating sa mga chicks lalo’t kapareha.

Limang taon hindi nakagawa ng action  sa television si Bong at ipinakita niya sa Agimat ng Agila kung gaano siya katinik sa chicks.

May kissing scene sila ni Sanya Lopez kaya balitang marami ang nainggit sa aktres dahil suwerte raw kapag nakahalikan ang senador.

Mangyari pa, kasunod ng tsika na naisahan ni Bong si Gabby Concepcion na kapareha rin ng actor si Sanya sa  First Yaya. Puro kasi bitin si Gabby tuwing hahalikan si Sanya.

Pero hindi puwedeng masolo ni Sanya si Bong dahil hindi siya sasantuhin ni Sheryl Cruz na kasama rin nila sa serye. Ito ay idinidirehe ni Rico Gutierrez.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top