Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Serye-Exclusive: DV Boer victims muntik linlangin (Gustong gawing stockholders)
Serye-Exclusive: DV Boer victims muntik linlangin (Gustong gawing stockholders)

Serye-Exclusive: DV Boer victims muntik linlangin (Gustong gawing stockholders)

TILA teleseryeng hindi nauubusan ng gimik ang DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin upang paulit-ulit na ‘gatasan’ ang mga hilahod nang investors ng mga programang Pa-Iwi at Microfinance.
 
Nabatid sa source, nagtangka umano si Villamin na huthutan pa ang mga nalinlang niyang investors kahit naglabas ng advisory ang Securities and Exchange Commission noong Abril 2019 na nagbabala sa publiko laban sa pagbebenta ng investments ng DV Boer dahil wala itong secondary license.
 
Nagbalak umano si Villamin na mameke ng mga dokumentong isusumite sa SEC at Philippine Stock Exchange (PSE) upang makalahok sa initial public offering (IPO) bilang solusyon sa malaking problemang pinansiyal na kinakaharap ng DV Boer.
 
Para mapagpatuloy ang iskemang pangangalap ng puhunan sa kanyang agribusiness cum Ponzi scheme ay inalok ng DV Boer ang kanilang investors ng livestock conversion plan.
 
Ibig sabihin ay ipagbibili ng investors ang kanilang mga paalagang hayop direkta sa DV Boer kapalit ng ‘preferred shares.’
 
“Preferred shares of DV Boer will be valued at 20 pesos per share and will be given to those who will convert at 15 pesos per share until the end of January 2020. The following are the features of our preferred shares;
10% annual dividends, Convertible, Capital gains, Cumulative.
 
Inihirit ito ng DV Boer sa kanilang investors upang maka-comply umano sa requirements ng SEC para sa secondary license at para maalagaan mabuti ang mga paalagang hayop.
 
Kapag pumayag ang Pa-Iwi partner sa alok na livestock conversion plan, kailangan niyang magsumite ng “letter of intent indicating his/her intention to sell their livestock in exchange of preferred shares which will be submitted to SEC for approval of our license.”
 
Ang DV Boer na nga ang may atraso sa investors, oonsehin pa sila para palabasin na shares ng kompanya ang kanilang binili upang palabasin sa SEC na lehitimo ang kanilang negosyo at lusot sa pananagutan sa mga naghahabol na maibalik ang kanilang puhunan.
 
Sa kabutihang palad, ayon sa source, hindi kinagat ng investors ang livestock conversion gimmick ng DV Boer.
 
Kahit sumablay ang naturang plano, hindi pa rin sumuko si Villamin at sinakyan ang nausong non-disclosure agreement para magamit na proteksiyon laban sa pagdagsa ng mga reklamo at kaso laban sa kanyang multi-bilyon pisong investment scam.
 
Noong nakaraang Pebrero ay nakatanggap ng mensahe sa kanilang e-mail ang mga investors ni Villamin na nagsasaad na kailangan nilang lumagda sa NDA na nagsasabing hindi nila puwedeng ibahagi sa iba ang mga detalye ng kontratang nilagdaan ng DV Boer at Paiwi partner. (May Karugtong)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top