Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Restriksiyon sa pag-iwas sa Covid-19 Indian variant agad ipinatupad ng BI
Restriksiyon sa pag-iwas sa Covid-19 Indian variant agad ipinatupad ng BI

Restriksiyon sa pag-iwas sa Covid-19 Indian variant agad ipinatupad ng BI

MATAPOS pumutok ang balita tungkol sa pagkalagas ng daan-daang libong mamamayang Bombay sa India dahil sa CoVid-19, agad nagpalabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na nagbabawal sa pagpasok sa Filipinas ng lahat ng mga biyahero na manggagaling sa naturang bansa simula 29 Abril hanggang 14 Mayo.
 
Inilabas ang kautusan matapos mapabalita ang na-detect na panibagong variant ng CoVid-19 sa India na agad kumalat at tumama sa record na 350,000 katao kada araw.
 
Ito marahil ang pinakamalalang kaso ng paglobo ng nasabing sakit na umabot sa mahigit 18 milyon katao ang apektado.
 
“We will implement this measure seen by the IATF as our response to the emerging situation in India,” giit ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente. Ito ay matapos matanggap ng ahensiya ang direktiba ng IATF.
 
“The IATF deems that this proactive restriction must be put in place to slow down the surge in CoVid-19 cases, stop further spread of variants, and allow the health system to prepare, essentially protecting more lives,” dagdag niya.
 
Sinabi rin ng hepe ng Port Operations Division (POD) na si Atty. Carlos Capulong, ang nasabing ‘travel ban’ ay hindi magiging nationality-specific kundi applicable sa lahat ng mga biyahero na nagmula sa nasabing rehiyon.
 
“We are conducting 100% passport inspection to determine the travel history of an arriving person. If we see that the traveler has been to India within the last 14 days, then he will be excluded and boarded on the next available flight back to his port of origin,” ayon kay Capulong.
 
Dahil sa resolusyon ng IATF, inaasahang hindi mahihirapan ang mga nasa airport na bantayan ang pagdating ng mga Indian national dahil mismong ang mga airlines ay susunod sa gustong mangyari ng IATF.
 
Sa mga pasahero naman na darating bago ang 29 Abril, sila ay papasukin matapos sumalang sa mahigpit 14 days quarantine and testing protocols na ipatutupad ng ibang ahensiya ng gobyerno.

NAIA PERSONNEL
GETTING BORED

TOTOONG nakababato ang sitwasyon ngayon sa airport na dati’y bawat ahensiya ng gobyerno at mga ‘stakeholders’ dito ay abala sa kani-kanilang trabaho.
 
Ito ang himutok at kalagayan ngayon ng karamihan ng mga empleyado sa tatlong terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
 
Pati nga ang mga staff ng ‘One-Stop-Shop’ na inilagay ng pamahalaan ay ganyan din ang himutok.
Kung dati ay kabi-kabila ang pag-asiste nila sa mga pasaherong dumarating sa bansa, sa pamamagitan ng pagga-guide sa mga proseso sa airport, iba na ngayon. Ang dating daan-daang pasahero bawat eroplano, ngayon umaabot na lang sa 40 pasahero kada flight ang dumarating.
 
Sa ngayon ay dumarami lang ang arrivals kapag repatriation flights na galing sa Bahrain, Qatar, Oman, at Riyadh ang lumapag sa NAIA. Sa ganitong pagkakataon ay umaabot din sa 200 ang pasahero na karamihan ay overseas Filipino workers (OFW) na apektado ng closure ng kompanyang pinapasukan dahil sa pandemya.
 
Ang mga empleyado naman ng private baggage conveyor ay naghihimutok din dahil apat na oras lang kada araw ang ibinibigay sa kanila kasi nga kakaunti ang mga pasahero at marami rin sa mga airlines ang nag-suspend ng kanilang operations.
 
Samantala, inaasahang lalo pang bababa ang porsiyento ng remittances ng mga OFW ngayong 2021-2022 dahil sa pagsadsad ng kanilang deployment sa ibang bansa.
 
Sinasabi rin ng mga eksperto, tatagal pa ito nang dalawang taon hangga’t hindi bumabalik sa normal ang sitwasyon sa buong mundo.
 
Maging sa Gitnang Silangan na kinabibilangan ng mga bansang gaya ng Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, at Oman, na mahigit 400,000 domestic workers o 70 porsiyento ng mga newly hired ang naroon noong 2018 hanggang 2019, ay nananatiling lockdown dulot ng kasalukuyang krisis.
 
Batay sa datos ng Philippine Overseas Welfare Authority (POEA), nitong nakaraang 2020 ay nasa 1.4 milyong workers ang kanilang naitala na karamihan ay balik manggagawa, mga bagong manggagawa at magdaragat (seamen).
 
Pinaniniwalaang mananatili pa ang kasalukuyang sitwasyon hangga’t ang mga bansa sa Gitnang Silangan ay ‘di pa nakababawi dulot ng pandemya at ang presyo ng kanilang langis ay mababa at ‘di gumagalaw.
 
Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top