Thursday , November 13 2025

Palasyo tikom-bibig sa bigwas ni Pacman

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa pagbatikos ni Sen. Manny Pacquiao sa napakong pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaglalaban ang West Philippine Sea laban sa pangangamkam ng China.
 
Sinabi kamakalawa ng senador, desmayado siya sa paninindigan ngayon ng Pangulo sa WPS, taliwas sa pangako niya noong 2016 presidential elections na sasakay ng jet ski upang itirik ang bandila ng Filipinas sa Scarborough Shoal na nakapag-engganyo ng mga boto para sa noo’y Davao City mayor presidential bet.
 
Sina Pangulong Duterte at Pacquiao ay pawang mula sa Partido PDO-Laban.
 
Tumanggi si Presidential Spokesman Harry Roque na magkomento sa mga puna ng political observers, na hudyat ito ng paghihiwalay ng landas nina Duterte at Pacquiao sa 2022 elections.
 
“I don’t think there is a falling out. Hanggang ngayon po nananatiling napakalaking fan ni Senator Pacquiao ang ating Presidente sa larangan ng palakasan lalo sa larangan ng boxing. Hanggang doon na lang po tayo,” wika ni Roque.
 
Umani ng batikos ang pahayag kamakalawa ni Pangulong Duterte na wala siyang ipinangako noong 2016 kaugnay sa pangangamkam ng China sa WPS.
 
“I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” aniya sa kanyang Talk to the People kamakalawa.
 
“I never promised anything. Just because I’m President, gusto n’yong makipag-away ako,” dagdag niya.
 
Sa 2016 presidential debate, ipinagmalaki ni Duterte na hihilingin niya sa Philippine Navy na ihatid siya sa boundary ng Spratly Islands sa WPS upang sumakay ng jet ski tangan ang Philippine flag at pupunta sa airport na itinayo ng China sa isla upang itirik ang PH flag.
 
“This is ours. Do what you want with me,” sasabihin umano niya sa China.
 
“Matagal ko nang ambisyon na maging hero ako. Kung pinatay nila ako doon, bahala na kayo umiyak dito sa Filipinas,” sabi ni Duterte.
 
Ngunit nang maluklok sa Malacañang mula 2016 ay puro papuri sa China ang kanyang bukambibig. (ROSE NOVENARIO)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …