Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Who’s next after Voltes V ‘este Sinas?
Who’s next after Voltes V ‘este Sinas?

Who’s next after Voltes V ‘este Sinas?

MALAPIT na pala ang birthday ng kasalukuyang chief PNP na si Voltes V ‘este Gen. Debold Sinas.

        Ibig sabihin, malapit na siyang magretiro bilang Chief PNP.

        Hindi natin alam kung after PNP ‘e maitalaga pa sa ibang opisina si Gen. Sinas.

        For the meantime, abang-abang na muna  tayo.

        Pero ang kulit, may sumesegway — “It’s time to shine” na kaya raw para kay Lieutenant General Guillermo Eleazar?

        Mukhang walang kalaban?!   

Si Eleazar, ang kasalukuyang deputy chief for administration, second highest-ranking police officer sa bansa.

Ibig sabihin si Gen. Eleazar, kung hindi mauusog, ‘e qualified para maging ‘the next’ PNP chief.

        Matunog na si Eleazar ay iniendoso ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang susunod na PNP chief.

        Kung sa sipag at galing, ay wala na tayong hahanapin pa kay Gen. Eleazar.

        Ang kailangan lang ay ‘timing.’

        ‘Timing’ na dapat ay sumang-ayon lahat para maging chief PNP ang isang opisyal na gaya ni Elezar.

        ‘Yung walang kokontra…

        Kaya muli nating itatanong, wala na bang eepal?

        Sana’y wala na para naman magtuloy-tuloy na ang  suwerte ni Gen. Eleazar…

        Anyway, alam naman nating lahat, ang huling salita ay manggagaling kay Pangulong Duterte.

        Kung baga, kahit highest pointer pa si Gen. Eleazar kompara sa lahat ng kandidato pero may ibang kursunada ang Pangulo, tiyak na etsapuwera na naman siya.

        Ang kanyang buong pagsisikap ay hahantong na lang sa pagbibilang ng mga araw hanggang magretiro.

        Huwag naman sanang mangyari ‘yan.

        Kaya sa lahat ng supporters ni Gen. Eleazar, keep your fingers crossed…

        Hanggang masungkit niya ang pagiging Chief PNP.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top