Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Thea Astley thankful sa tiwala ng GMA
Thea Astley thankful sa tiwala ng GMA

Thea Astley thankful sa tiwala ng GMA

SI The Clash Season 2 1st runner-up Thea Astley ang boses sa likod ng dalawa sa official soundtracks ng top-rating GMA primetime series na First Yaya, ang Isang Tulad Mo at Ang Puso Kong Ito’y Sa ‘Yo.

Aniya, thankful at overwhelmed siya sa tiwalang ibinigay ng GMA sa kanyang talent. ”Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya and kung gaano ka-overwhelming ‘yung feeling of gratefulness and being blessed. Hindi ko talaga ini-expect that there would come an opportunity like this, to sing a theme song for a very big show kaya sobrang thankful ko and saya when I recorded it. Both of the songs are really nice and wonderful to listen to.”

Puwede nang mapakinggan ang Isang Tulad Mo at Ang Puso Kong Ito’y Sa ‘Yo sa GMA Playlist sa YouTube.

Napapanood din si Thea bilang isa sa mainstay performers ng weekend variety show na All-Out Sundays sa segment na Queendom kasama sina Julie Anne San JoseAicelle Santos, at Lani Misalucha.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top