Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bong sa GMA — ‘Di n’yo ako pinabayaan
Bong sa GMA — ‘Di n’yo ako pinabayaan

Bong sa GMA — ‘Di n’yo ako pinabayaan

MALAKI ang pasasalamat ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pagkakataong magbalik-telebisyon at gumanap bilang si Major Gabriel Labrador sa action-packed fantasy drama series na Agimat ng Agila. Masaya ang aktor sa tiwala na ibinigay sa kanya para muling bumida sa isang serye.

“I’m very happy to be back on television, dito sa aking first love. ‘Yung passion ko nandito, aside from public service.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bong sa Kapuso Network para sa oportunidad na muling umarte. ”Malaki ang pasasalamat ko sa GMA sa tiwala na ibinigay sa akin. Despite sa challenges na nangyari sa buhay ko, nandyan sila at hindi nila ako pinabayaan.”

Kuwento pa ni Bong, marami siyang gustong katangian ng karakter niya na si Major Gabriel. ”Bilang isang forest ranger, ‘yung pagmamahal niya sa kalikasan, sa pamilya, at ‘yung Filipino core values nandito. ‘Yung pagiging mabuting kaibigan. Mapagmahal ka, matatag ka, matapang ka, pagkalinga sa pamilya.”

Samahan si Major Gabriel sa kanyang exciting adventures sa Agimat ng Agila, tuwing Sabado, 7:15 p.m., sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top